We’re here to help
Ang Kanegosyo Center ay naglalayong tuparin ang pangarap ng bawat Pilipino na magkaroon ng sariling negosyo at magtagumpay sa pagpapalakad nito.
Subalit hindi madaling magsimula ng negosyo para sa karamihan.
Kaya nandito ang Kanegosyo Center para gabayan ka sa bawat hakbang gamit ang mga produkto at serbisyong tutulong sa pagsisimula at pagpapalago ng iyong negosyo.
Nais naming gawing madali at abot-kamay katuparan ng iyong pangarap na negosyo.
Naniniwala kaming hindi kailangang maging mahirap at nakakapagod ang pagsisimula at pagpapalago ng negosyo, lalo na kung ito ay maliit lamang. Kaya ang mga produkto at serbisyong hatid ng Kanegosyo Center ay madali, abot-kamay at mapagkakatiwalaang tapat at makabuluhan.
- Madali ang pagnenegosyo sa tulong ng Kanegosyo Center dahil sa mga produkto at serbisyong mabilis maintindihan, gamitin at gawin. Lahat pinapasimple para makatutok ka sa mismong pagnenegosyo.
- Abot-kamay dahil sa one-stop shop Kanegosyo Center, lahat ng iyong kakailanganin ay mahahanap mo sa aming website at sa mga piling branches ng Cebuana Lhuillier. Walang oras na masasayang. Mas marami kang maaaring gawin kahit saan, kahit kailan.
- Mapagkakatiwalaang tapat at makabuluhan ang Kanegosyo Center bilang katuwang mo sa pagnenegosyo: may tapat na intensyong unawain ang iyong kalagayan para makapagbigay ng makabuluhang produkto at serbisyong angkop sa iyong pangangailangan.
Ang Kanegosyo Center ay may tatlong programang tumutugon sa karaniwang pangangailangan ng mga maliliit na negosyante.
- Kanegosyo Bundles: Pumili ng mga produkto at serbisyong pinansyal at pangnegosyo na akma sa iyong pangangailangan. Ikaw man ay nagsisimula pa lang o nagpapalago na ng iyong negosyo, may Kanegosyo Bundle na babagay sa iyo.
- Kanegosyo Assist: Alamin ang lahat ng dapat mong malaman sa pagpaparehistro ng iyong negosyo at pagkuha ng pahintulot para patakbuhin ito. Lahat ng proseso, requirements at forms, at iba pang impormasyon ay inayos at pinagsama-sama para mas madaling maunawaan at mas madaling planuhin at gawin.
- Kanegosyo Coach: Palawakin ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagnenegosyo gamit ang mga coaching videos, workbooks at how-to guides. Maigsi at madali ang bawat paksa para madali mong maintindihan at magawa. Lahat nang ito ay kayang panuorin at gawin gamit ang iyong mobile device kaya maaari kang matuto kahit saan, kahit kailan.
Kailangang maging member ng Kanegosyo Center para ma-access ang mga produkto at serbisyo ng Kanegosyo Center.
Walang kailangang bayaran. Libre ang membership.
Hindi nag-eexpire ang iyong Kanegosyo Center membership.
Hindi ka required bumili o kumuha ng kahit na anong produkto o serbisyo sa Kanegosyo Center. Maaari kang sumangguni sa mga impormasyong nakapaloob sa Kanegosyo Center website, gaya ng Kanegosyo Assist kung gusto mong malaman kung paano magparehistro ng negosyo o ng Kanegosyo Coach kung gusto mong matuto tungkol sa pagnenegosyo.
Mahalagang maintindihan mo nang mabuti ang mga kailangan mong gawin para masimulan o mapalago ang iyong negosyo. Mula doon, maaari kang sumangguni sa Kanegosyo Center Specialists para matulungan ka pa lalo sa iyong mga pangagailangan sa negosyo.
Maaari kang maging member kung ikaw ay:
- may kasalukuyang negosyong pinapatakbo, rehistrado man o hindi;
- nasa proseso ng pagsisimula ng iyong negosyo; o
- nagbabalak magsimula ng iyong negosyo.
Madali lang maging member ng Kanegosyo Center. At magagawa mo ito sa maraming paraan.
Online, gamit ang iyong cellphone, tablet, laptop o personal computer:
- Mag-sign up bilang member at ibigay ang iyong pangalan, birth date, at cellphone number.
- Gumawa ng username at password.
- I-verity ang iyong account gamit ang one-time PIN (OTP) na ipapadala sa iyong binigay na cellphone number.
Huwag kalimutan basahin ang terms and conditions at i-check ang box!
Sa mga Kanegosyo Center kiosks sa piling branches ng Cebuana Lhuillier:
- Pumunta sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier branch na may Kanegosyo Center kiosk.
- Mag-sign up sa Kanegosyo Center kiosk sa loob ng branch. Kung kailangan mo ng tulong, lumapit lang sa Kanegosyo Center Specialist na handing tumulong sa anumang pangangailang pangnegosyo.
Siguraduhing akma ang iyong username. Ang iyong username ay dapat sumusunod sa format na:
- Binubuo ng 4-32 na character
- Mga tinatanggap na character: A-Z, a-z, 0-9
Maaaring may iba nang gumagamit nito o di kaya ay hindi nasunod ang tamang format.
Siguraduhing akma ang iyong password. Ang iyong password ay dapat sumusunod sa format na:
- Binubuo ng hindi bababa sa 8 na character
- Mga tinatanggap na character: A-Z, a-z, 0-9, at mga special character
Maaaring hindi nasunod ang tamang format.
Maaari mong i-reset ang iyong password. Sa log-in page, i-click ang “Forgot Password” at ilagay ang iyong username o cellphone number. Magkakaroon ka ng pagkakataong palitan ang iyong password.
Kapag lumabas ang mensaheng “Password Reset Successful,” pwede ka na uli mag-log in gamit ang bagong password.
Kung gusto kong palitan ang anumang personal information sa aking membership, ano ang dapat kong gawin?
Kung may gusto pa akong malaman tungkol sa Kanegosyo
Center at sa mga produkto at serbisyo nito, sino ang
dapat kong lapitan o puntahan?
Kung ikaw ay mga mga tanong at gustong isangguni tungkol sa pagsisimula o sa pagpapalago ng negosyo, maaari kang makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod.
- E-mail: [email protected]
- Facebook: Kanegosyo Center
- Piling Cebuana Lhuillier branches tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 9AM hanggang 6PM
Lahat ng members ay may full access sa lahat ng produkto at serbisyo ng Kanegosyo Center.
- Kanegosyo Bundles: Pumili ng mga produkto at serbisyong pinansyal at pangnegosyo na akma sa iyong pangangailangan. Ikaw man ay nagsisimula pa lang o nagpapalago na ng iyong negosyo, may Kanegosyo Bundle na babagay sa iyo.
- Kanegosyo Assist: Alamin ang lahat ng dapat mong malaman sa pagpaparehistro ng iyong negosyo at pagkuha ng pahintulot para patakbuhin ito. Lahat ng proseso, requirements at forms, at iba pang impormasyon ay inayos at pinagsama-sama para mas madaling maunawaan at mas madaling planuhin at gawin.
- Kanegosyo Coach: Palawakin ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagnenegosyo gamit ang mga coaching videos, workbooks at how-to guides. Maigsi at madali ang bawat paksa para madali mong maintindihan at magawa. Lahat nang ito ay kayang panuorin at gawin gamit ang iyong mobile device kaya maaari kang matuto kahit saan, kahit kailan.
Bukod pa sa mga ito, may mga Kanegosyo Center Specialists sa piling branches ng Cebuana Lhuillier na handa kang kausapin at unawain para makapagbigay ng akmang payo sa iyong mga tanong tungkol sa pagnenegosyo.
Sa pagpaplanong magsimula ng sariling negosyo, maaari kang pumunta sa mga bahagi ng Kanegosyo Center website na makakatulong sa iyong paghahanda.
- Pumunta sa Kanegosyo Coach para aralin ang kaisipan (mindset) ng isang negosyante at ang iba’t ibang aspeto ng pagpapatakbo ng negosyo.
- Maaari mo ring aralin ang proseso ng pagpaparehistro ng negosyo sa Kanegosyo Assist.
- Maganda ring tignan ang Simula Bundles para makita mo ang mga produkto at serbisyong maaaring makatulong sa negosyong gusto mong simulan.
Maaari ka ring pumunta sa piling branches ng Cebuana Lhuillier at kumausap ng mga Kanegosyo Center Specialists upang maunawaang mabuti ang mga kailangan mong gawin para makapagsimula sa pagnenegosyo.
May negosyo na akong pinapatakbo at gusto ko itong palaguhin. Ano ang maitutulong ng Kanegosyo Center?
Sa pagpaplanong palaguhin ang sariling negosyo, maaari kang pumunta sa mga bahagi ng Kanegosyo Center website na makakatulong sa iyong paghahanda.
- Pumunta sa Kanegosyo Coach para aralin ang piling aspeto ng pagpapatakbo ng negosyo na akma sa iyong pangangailangan.
- Maaari mo ring aralin ang proseso ng pagpaparehistro o pagpapa-renew ng business registration at permits ng negosyo sa Kanegosyo Assist.
- Maganda ring tignan ang Paglago Bundles para makita mo ang mga produkto at serbisyong maaaring makatulong sa pagpapalago ng iyong negosyo.
Maaari ka ring pumunta sa piling branches ng Cebuana Lhuillier at kumausap ng mga Kanegosyo Center Specialists upang maunawaang mabuti ang mga kailangan mong gawin para mapalago ang iyong negosyo.
Oo, at dahil dito, hinihikayat ka naming maging Kanegosyo Member para ma-enjoy mo ang lahat ng mga Kanegosyo Bundles na makakatulong sa pagsisimula o pagpapalago ng iyong negosyo.
Naiintindihan naming maraming kailangang pag-isipan at pagpilian kapag nagsisimula o nagpapalago ka ng negosyo. Karaniwang tanong ang mga sumusunod: Ano ba ang akma para sa iyo? Anong produkto ang bagay sa iyo? Kailan ito dapat gawin? Saan at paano mo ito kukunin?
- Ang Simula Bundle ay naglalaman ng mga produktong karaniwang kakailanganin mo sa pagsisimula ng bagong negosyo.
- Ang Paglago Bundle ay ginawa para mas makilala ka pa namin at maibigay sa iyo ang mga produktong kakailanganin mo ayon sa lagay ng iyong pinapatakbong negosyo.
Bawat negosyo ay kakaiba, at maaaring may iba pang mga produktong makakatulong sa iyong negosyo. Kaya may iba ka pang mga pagpipiliang produkto na hindi bahagi ng Simula at Paglago Bundles: mga add-ons na sasagot sa specific na pangangailangan ng iyong negosyo.
Oo. Bilang Kanegosyo Member, handa kaming gumabay sa iyo.
Kung ikaw ay mga mga tanong at gustong isangguni tungkol sa pagsisimula o sa pagpapalago ng negosyo, maaari kang makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod.
-
- E-mail: [email protected]
- Facebook: Kanegosyo Center
- Piling LGU Business Centers
- Piling Cebuana Lhuillier branches
Ang Kanegosyo Assist ang serbisyong gagabay sa mga MSME sa pagpoproseso ng mga kakailanganin para maging legal ang iyong negosyo at magkaroon ito ng pahintulot na mag-operate sa inyong lugar.
Sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng mga local government units (LGU), mahahanap mo sa Kanegosyo Assist ang lahat ng impormasyon, forms at online links na iyong kakailanganin para iparehistro ang iyong negosyo.
Gamit ang Kanegosyo Assist…
- …mas madali ang pagproseso ng business registration at renewal! Lahat ng kailangan mong malaman ay nandito. Inayos at pinasimple ang lahat ng impormasyon para mas madali mong malaman at maunawaan ang proseso. Mababawasan na ang oras mong maghanap at magtanong ng impormasyon. At dahil dyan, mas mabisa mong mapapaghandaan at magagawa ang pagpaparehistro o pagpapa-renew ng iyong negosyo.
- …mas abot-kamay ang kailangang impormasyon! Hindi mo na kailangang pumunta nang malayo at sa maraming ahensya para lang malaman ang requirements at ang proseso. Lahat ng gusto mong malaman tungkol sa pagpaparehistro o pagpapa-renew ng negosyo ay nandito, nakalahad nang simple at maayos para hindi ka malito. At ang pinakamahalaga: maaari mong balik-balikan ang impormasyon kahit saan, kahit kailan.
- …may mapagkakatiwalaan kang katuwang sa pagnenegosyo! Ang Kanegosyo Center ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang sangay at ahensya ng pamahalaan at sa mga local government units (LGUs) para mas mapadali ang proseso ng business registration at renewal.
Ang Kanegosyo Assist ay naglalaman ng impormasyong nakaayos para mas mabisa, mabilis at organisado mong magawa ang pagpaparehistro o pag-renew ng iyong negosyo.
- Irehistro ang iyong negosyo bilang unang hakbang. Karaniwang nagsisimula ang proseso sa pagkuha ng DTI registration. Para sa mga kwalipikadong micro businesses, mainam ding magparehistro bilang Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) para makakuha ng tax exemption at iba pang benepisyo. Kailangan ding magparehistro sa BIR, tax exempt man o hindi.
- Kumuha ng business permits para mapahintulutang magpatakbo ng negosyo sa inyong lugar. Nakapaloob sa Kanegosyo Assist ang mga requirements, forms at proseso ng aming mga partner local government units (LGU). Alamin din kung may iba pang permits na dapat kunin.
- Irehistro ang iyong mga empleyado sa mga sangay at ahensya ng pamahalaan para mabigyan sila ng tamang benepisyo: DOLE, SSS, Philhealth, at Pag-IBIG.
Kung ikaw ay nagpaplanong magsimula ng bagong negosyo, magandang basahin ang mga impormasyon at gawin ang proseso nang sunud-sunod.
Kung kasalukuyan ka nang naglalakad ng iyong business registration o renewal, maaari ka nang pumunta sa mga bahaging dapat mo nang gawin.
At kung ikaw ay tapos na sa pagpaparehistro o pagpapa-renew ng iyong business registration at permits, makabubuting alamin ang mga buwanan at taunang requirements ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga negosyante gaya ng
- Pagbabayad sa BIR ng buwis at pag-file ng tax returns
- Pagbayad sa SSS, Philhealth at Pag-IBIG ng monthly contributions para sa iyo at sa iyong mga empleyado
May bahagi ring naglalaman ng mga tips sa pagpaparehistro at tips sa paggamit ng IDs at authorized representatives na maaari mong basahin para mas lalo ka pang maging handa.
Ang Kanegosyo Coach ang gagabay sa iyo sa iba’t ibang aspeto ng pagsisimula, pagpapatakbo at pagpapalago ng iyong negosyo. Naglalaman ito ng videos na tumatalakay sa mga karaniwang problema ng isang negosyante. Lahat nang ito ay maiksi, madaling maunawan at, higit sa lahat, praktikal at madaling maisagawa.
Gamit ang Kanegosyo Coach…
- …mas madali kang matututo! Lahat ng videos at iba pang learning materials ay maiksi, madaling maunawaan, at higit sa lahat, praktikal at madaling maisagawa!
- …mas abot-kamay ang pagpapalawig ng iyong kaalaman at kakayanan! Gamit ang iyong cellphone, tablet, laptop o PC, maaari mong mapanood ang mga videos kahit saan, kahit kailan.
- …may mapagkakatiwalaan kang katuwang sa pagnenegosyo! Laman ng Kanegosyo Center ang pili at akmang coaching videos at workbooks ay mula sa iba’t ibang grupo at organisasyon na kilala sa paghahatid ng kaalaman at paglilinang ng kakayahan para sa mga maliliit na negosyo.
Ang Kanegosyo Coach ay naglalaman ng tatlong uri ng learning resources: videos at workbooks.
Ang mga Kanegosyo Coach Videos ay tumatalakay sa iba’t ibang aspeto ng pagnenegosyo. Ito ay nakagrupo ayon sa paksa.
- Business Basics: kaisipan (mindset) ng isang negosyante at ng mga karaniwang aspeto ng pagnenegosyo para sa isang nagsisimula pa lang.
- Finance: wastong gamit at pagpapaikot ng pera sa negosyo.
- Legal: Mga batas at mga tuntuning may kinalaman sa pagsisimula at pagpapatakbo ng negosyo
- Sales & Marketing: Mga aspeto ng pagpapatakbo ng maayos na negosyo gaya ng digital marketing, online business, at pagmamando ng imbentaryo
Mayroon ding mga Kanegosyo Coach Workbooks na maaaring gamitin para malinang ang inyong kakayahan. Ilan sa mga videos ay may kasamang worksheets para madaling ma-apply ang inyong natutunan. Ang ilang workbooks ay hindi nangangailan ng iba pang materyal, at magagamit bilang gabay at pang-praktis ng kakayahan.
Magsimula ka sa video na patungkol sa iyong interes: tungkol sa isang problema na gusto mong sagutin o tungkol sa isang paksa na gusto mo pang matutunan.
Kung hindi ka pa tiyak kung saan magsisimula, tignan ang mga kategorya (Business Basics, Finance, Legal, Sales & Marketing).
Kung may gusto pa akong malaman tungkol sa Kanegosyo
Center at sa mga produkto at serbisyo nito, sino
ang dapat kong lapitan o puntahan?
Kung ikaw ay mga mga tanong at gustong isangguni tungkol sa pagsisimula o sa pagpapalago ng negosyo, maaari kang makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod.
- E-mail: [email protected]
- Facebook: Kanegosyo Center
- Piling Cebuana Lhuillier branches tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 9AM hanggang 6PM