Sign Up
Sign Up
Piliin ang investment na para sa'yo
Top Pinoy Companies
Global Tech Companies
mag-invest > simple
May Ka-Cebuana Coach ka na tutulong sa lahat ng tanong mo sa investment
Ang ATRAM Philippine Equity Fund ay ginawa para mag-generate ng excess returns kumpara sa kanyang benchmark sa pamamagitan ng enhanced index approach, na pinagsasama ang mga bahagi ng passive at active management.
ATRAM Global Technology Feeder Fund ay may layuning makamit ang long-term capital appreciation sa pamamagitan ng pag-iinvest sa mga equity securities ng mga global companies na nakikinabang mula sa technological advances and improvements.
Ang Unit Investment Trust Fund (UITF) ay isang pooled fund ng mga investment na pinondohan ng iba't ibang mga investors. Bawat pooled fund ay mina-manage ng mga professional fund managers at ini-invest sa iba't ibang mga securities (karaniwan ay mga stocks, bonds, o kombinasyon ng mga ito) ayon sa strategy ng fund na nakasaad sa mga Plan Rules.
Ang isang client ng UITF ay bumibili ng mga unit of participation sa fund at kumikita mula sa gain o loss na resulta ng fund performance. Ang UITF ay walang maturity date at ito ay open-ended, ibig sabihin nito ay maaari mong i-redeem ang mga units anumang oras.
Mahalagang tandaan na ang UITF ay isang trust fund at hindi isang deposit product. Ibig sabihin nito, hindi ito sakop ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at walang garantiya ng kita o ng prinsipal.
Ang mga fees na babayaran sa fund ay ang mga sumusunod:
- Trustee Fee
- Custodianship Fee
- External Auditor Fees
- Transaction Fees
- Other fees allowed by BSP
In addition sa mga bayarin, ang "Target Fund" ng isang feeder fund ay napapailalim sa sarili nitong mga gastos sa pagpapatakbo kabilang ang isang hiwalay na bayad sa pamamahala. Ang mga investors ng feeder fund ay pinapayuhan na isaalang-alang ang mga naturang fees at charges bago mag-invest sa fund dahil maaaring sila ay mapailalim sa higher fees na magmumula sa layered investment structure.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga bayarin ng fund, maaari mong i-download ang Declaration of Trust (DOT) ng fund mula sa www.atram.com.ph
Ang mga sumusunod ay ang mga risks sa pag-iinvest sa UITF:
Credit Risk | Risk na ang issuer ay ma-delay o hindi magbabayad ng interes at/o prinsipal |
Counterparty Risk | Risk na ang broker/dealer ay makagawa ng error, pandaraya, o financial failure |
Liquidity Risk | Risk na hindi ma-liquidate o ma-convert o ibenta ng investor ang kanyang asset for cash |
Interest Rate Risk | Risk na bumaba ang halaga ng mga securities dahil sa mga pagbabago sa interest rates |
Sovereign Risk | Risk na hatid ng actions of a sovereign government o independent events (digmaan, kaguluhan, atbp.) ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng mga issuers sa bansang iyon na bayaran ang kanilang mga utang |
Currency Risk | Risk na associated sa mga pagkalugi na nagmumula sa exposure sa foreign currency denominated assets |
Reinvestment Risk | Risk na associated sa posibilidad na magkaroon nang mas mababang kita ang earnings kapag nag-mature na ang mga placements, o ang interest earnings are reinvested. |
In addition sa mga risks, ang feeder fund ay may mga karagdagang risks na nakadetalye sa Declaration of Trust of the fund na maaaring ma-access sa pamamagitan ng "DOCUMENTS" section sa mga sumusunod na link:
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRPHSE
ATRAM Global Technology Feeder Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRGTEC
Hindi mo mahuhulaan kung ano ang mangyayari sa market. Kung komportable ka sa kinita ng iyong fund, pwede mo itong ibenta o i-redeem ang iyong investment.
Gayunpaman, ang mga ATRAM Funds are designed to be long-term investments. Upang i-maximize ang mga kita sa iyong investment, inirerekomenda namin na manatili kang mag-invest sa inirerekomendang investment period na sumusunod:
Fund Name | Investment Period |
---|---|
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund | More than 5 years |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | More than 5 years |
In addition, ang mga ATRAM Funds are actively-managed ng aming mga Fund Managers. Ito ay patuloy na ina-adjust depende sa nangyayari sa market.
Upang ma-access ang higit pang impormasyon tungkol sa performance ng funds, narito ang mga link sa mga funds:
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRPHSE
ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRCTRP
Depende sa fund, ang COP o COR ay ii-email sa iyo sa loob ng 3 hanggang 5 araw pagkatapos ng transaction date gaya ng sumusunod:
Fund Name | COP/COR |
---|---|
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund | 2 Banking Days |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | 4 Banking Days |
Ang cut-off time para i-transact ang iyong investment ay 11:00 am. Kung nag-subscribe ka o nag-redeem pagkatapos ng cut-off time, ang iyong transaksyon ay ipoproseso sa susunod na business day.
Ang mga minimum na halaga ng subscription para sa investment ay ang mga sumusunod:
Fund Name | Minimum Initial Investment | Minimum Additional Investment |
---|---|---|
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund | 50 | 50 |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | 1000 | 1000 |
Ang mga minimum redemption amounts ay ang sumusunod:
Fund Name | Minimum Redemption Amount |
---|---|
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund | 50 |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | 50 |
Ang iyong subscription/buy order ay makikita sa iyong Invest Money balance after ng Transaction Allocation.
Mangyaring tingnan ang schedule ng mga subscription/buy order transactions para sa bawat fund:
Fund Name | Transaction Allocation (NAVPU/Final Prices Availability) |
---|---|
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund | 2 Banking Days |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | 4 Banking Days |
Kung hindi pa rin lumalabas ang fund 1 banking day pagkatapos ng ng standard processing time, mangyaring makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center Customer Cares:
(02) 8779-9800 (PLDT)
(02) 7759-9800 (Globelines)
0917 812 2737 and 0918 812 2737 (SMS/Viber)
Ang iyong sell order ay make-credit sa iyong nominated bank account o preferred redemption channel (Gcash, atbp) pagkatapos ng overall processing time. Pakitingnan ang schedule ng redemption o pagbebenta ng mga sell order transactions sa bawat fund sa ibaba:
Fund Name | Overall Processing (Final Crediting) |
---|---|
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund | 4 Banking Days |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | 8 Banking Days |
Kung ang fund ay hindi pa rin credited 1 banking day pagkatapos ng ng standard processing time, mangyaring makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center Customer Cares:
(02) 8779-9800 (PLDT)
(02) 7759-9800 (Globelines)
0917 812 2737 and 0918 812 2737 (SMS/Viber)